139

Dec 13, 2017 @ 16:20
By

Ambush sa TESDA official kinondena

Nananawagan si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Guiling Manondiong sa awtoridad na agad bigyan hustisya ang kanilang provincial director sa Negros Occidental.

Noong nakaraang linggo tinambangan si TESDA Provincial Director Julius Romero na nagresulta sa pagkakabulag nito sanhi ng mga tama ng bala.

Hiniling ni Mamondiong sa NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Sa ulat ng pulisya, papauwi ang 45-anyos na biktima mula sa kanyang opisina nang ito ay pagbabarilin sa Talisay City.

Nabatid na ilang linggo pa lang sa puwesto si Romero, na ngayon ay ginagamot sa Riverside Medical Center. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?