106

Dec 26, 2017 @ 18:36
By

Ambush sa inuman: 1 patay, 3 pa agaw-buhay

Patay ang isang lalaki habang agaw-buhay ang tatlo pa sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa gitna ng pag-iinuman sa pagdiriwang ng Pasko sa Caloocan City.

Sa ulat ni PSSupt. Jemar Modequillo, ng Caloocan City Police, alas-10:00 umano ng gabi nangyari ang unang pamamaril sa Zapote St., Bagong Barrio.

Nakikipag-inuman si alyas Wendy, binata, sa kanyang mga kapitbahay nang dumating ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at inasinta siya sa katawan saka mabilis na tumakas. Naisugod ito sa Manila Central University at nasa kritikal na kondisyon pa.

Ganap namang alas-11:00 ng gabi nang mapatay si Hernan Francis, 32, truck helper, may-asawa at residente ng BMBA Compound, Barangay 120.

Nakikipag-inuman din ang biktima nang sandaling tumayo at makita na lamang ng kanyang mga kapitbahay na nakikipagtalo sa hindi pa nakikilalang suspek.

Ilang saglit lang ay nakarinig na sila ng sunod-sunod na putok ng baril at nang kanila itong usisain ay nakitang nakabulagta ang biktima at wala nang buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Alas-2:40 ng madaling-araw nang pagbabarilin naman si Eugenus Cayanan, 19, habang tumatagay at ngayon ay patuloy pang inoobserbahan.

Nakikipag-inuman naman sa basketball court alas-kuwatro ng madaling-araw si John Paul Alcantara, 19, nang ratratin ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?