104

By

Ambush sa FDA chief kinondena ng DOH

Protektado ng Department of Health si Food and Drug Administration Director General Charade Puno matapos itong tambangan sa Lupi, Camarines Sur kanina.

Kasabay nito, mariin kinondena ni Health Sec. Francisco Duque ang insidente, na nagresulta sa pagkakamatay ng tatlong pulis at pagkakasugat ng tatlong iba pa.

Ayon kay Duque, nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya para sa malalimang imbestigasyon.

Hindi naman nasaktan si Puno, maging ang mga kasama niyang opisyal at kawani ng FDA.

Nabatid na patungo sa kapitolyo sa Daet, Camarines Norte ang convoy nang mangyari ang insidente.

Nabatid na nagpasa ng ordinansa ang pamahalaang-panglalawigan na nag-aatas sa mga establismiyento na kumuha muna ng clearance mula sa FDA sa pagkuha ng lisensiya ng kanilang negosyo.

Sinabi pa ni Duque na ang prayoridad nila ngayon ay ang kaligtasan ni Puno at ng mga kasama nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?