41

Oct 31, 2017 @ 15:44

Ambulansiya wasak sa container van

Wasak ang ambulansiya ng Brgy. Delpan sa Tondo, Maynila matapos madaganan ng container van.

Kuwento ng driver ng trailer truck na si Jessie Hingpi, nakalso ang container van mula sa kanyang minamanehong trailer matapos siyang dumaan sa malubak na bahagi ng Delpan.

Sa kabutihang-palad ay wala namang nasaktan o nasugatan sa pagkakadagan ng container van dahil nangyari ang insidente habang nakaparada at wala nang sakay ang ambulansiya.

Posible namang maharap sa kaukulang reklamo si Hingpi kung saan inaaalam na ngayon ng mga awtoridad kung sino ang dapat managot sa nangyari. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?