74

Jun 4, 2021 @ 22:24
By

Ambulansiya, bus nagsalpukan sa EDSA

Nasa walo katao ang sugatan matapos magsalpukan ang isang ambulansiya at bus sa EDSA Shaw tunnel nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, dinala ang walong nasaktang pasahero sa Mandaluyong City Medical Center.

Kapwa umano patungo sa timog ang dalawang sasakyan at papasok daw sa busway ang ambulansiya dahil matrapik pero may paparating na bus.

“Ewan ko kung nakita niya, sabi niya nakita niya pero apparently hindi niya iniwasan,” saad ni Metropolitan Manila Development Authority traffic chief Bong Nebrija.

Ani Nebrija, ang mga bus ang prayoridad sa busway.

“Ang sinasabi ko, even though they could use it, they are not the priority. Ang priority pa rin is ‘yung bus. So if they want to use it and there’s a bus coming in, they need to give way to the bus,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?