87
ABANTE Ambulance bomb kabul
Jan 28, 2018 @ 16:28
By

Ambulance bomb kumitil ng 98 sa Kabul

Umabot sa 98 katao ang napatay at 158 naman ang nasugatan nang sumabog ang isang ambulansiya sa Kabul, Afghanistan nitong Sabado.

Nangyari ang insidente habang nagpapatuloy ang pag-atake ng mga Islamic State group sa Kabul.

Maraming bahagi ng mga katawan ang nagkalat sa kalye, puno ng dugo ang mga kapaligiran at hindi magkamayaw ang ospital sa dami ng mga isinugod na mga sugatan.

Sabi ng isag reporter ng AFP, maraming mga patay rin ang isinugod sa Jamuriate Hospital, ilang metro lamang mula sa pinangyarihan ng pagsabog.

Sinabi ni Health ministry spokesman Waheed Majroh sa AFP sa kasalukuyan ay 95 katao na ang patay ang inaasahang tataas pa ang bilang ng mga ito.

Nangyari ang apgsabog sa lugar kung saan maraming naroon ang mga tanggapanmga high-profile na organisasyon, kabilang ang European Union.

Ayon sa report, nakalusot ang suicide bomber sa isang checkpoint kung saan sinabi nitong maghahatid lang siya ng pasyente sa Jamuriate Hospital

“At the second checkpoint he was recognised and blew his explosive-laden car,” sabi ni Interior Minister Nasrat Rahimi.

Karamihan sa mga napatay ay mga sibilyan.

Kaagad namang kinondena ni President Donald Trump ang pag-atake na posible umanong kagagawan ng grupong Taliban.

“This murderous attack renews our resolve and that of our Afghan partners,” sabi nito sa isang statement.

“Now, all countries should take decisive action against the Taliban and the terrorist infrastructure that supports them.” (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?