297

May 16, 2020 @ 9:35

‘Ambo’ barkada ng nagpa-party! Remulla tinira si Sinas

Game na nakipagbiruan si Cavite Governor Jonvic Remulla sa isang netizen, at nagawa pang magsingit ng patama kay Metro Manila police chief Maj. Gen Debold Sinas.

Sa Facebook post ni Remulla ukol sa pagbibigay nito ng one day travel pass sa mga Caviteño dahil sa hagupit ng bagyong ‘Ambo’, isang netizen ang nagtanong kung papaano nakapasok sa bansa ang Ambo.

Ayon kay netizen Avelino Vicente, dapat ay nag-quarantine muna ang nasabing bagyo ng 14 na araw bago makagala sa ‘Pinas.

“Paano nakapasok ng ganun ganun lang si bagyong Ambo sa ating bansa? Di po ba may protocol na sinusunod dapat quarantine muna siya ng 14 days?” biro ng netizen.

Bumanat naman si Remulla: “Tama ka dyan. Baka barkada ng mga pulis na nag-birthday.”

Si Sinas, kasama ang 18 pang pulis, ay kinasuhan ng Philippine National Police – Internal Affairs Service dahil sa mass gathering sa mañanita ng NCRPO chief noong May 8.

https://youtu.be/69HalTq3xYI
Game na nakipagbiruan si Cavite Governor Jonvic Remulla sa isang netizen, at nagawa pang magsingit ng patama kay NCRPO chief Maj. Gen Debold Sinas.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?