40

Oct 30, 2020 @ 19:01
By

Ambassador Mauro dapat sibakin sa pwesto – Zubiri

Inihayag ni Senate Majority Floord Leader Zubiri na dapat nang sibakin sa puwesto si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro at patawan na kaukulang kaso at parusa sa pagmaltrato ng kanyang Pinay na kasambahay.

“She should not hold an ambassadorial post at this point in time,” pahayag ni Zubiri sa online interview ng mga reporter.

Dahil sa insidente, sinabi pa ni Zubiri na mahihirapan nang maitalaga pang muli sa ibang posisyon si Mauro.

“We must fix the image of our foreign service and the only way to do that is swift action and harsh penalties to be meted out to Ambassador Mauro,” ani Zubiri.

“We will show the world that we would not tolerate this kind of behavior para hindi na po ito mangyari sa ibang bansa kung saan napakarami po nating OFW na nagtatrabaho dun,” dagdag nito.

Sabi pa ni Zubiri, tatlong kaso kaso ang posibleng kaharapin ni Mauro. Ito ay paglabag sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Article 266 ng Revised Penal Code; at paglabag sa RA 10361 o Kasambahay Law.

Nagsimula na ang DFA ng kanilang imbestigasyon sa insidente matapos bigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?