41

Jul 20, 2021 @ 15:25
By

Ambag ni Nene Pimentel sa PDP-Laban ‘wag maliitin – Atienza

Hindi umano dapat na maliitin ng mga nagbabangayang miyembro ng PDP-Laban ang naging kontribusyon ni dating Sen. Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., sa partido at sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Sinabi ni Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na siya ay saksi sa pagiging totoong makabayan ni Pimentel na lumabas sa diktatoryang Marcos.

“Wag niyo namang kaladkarin sa putikan ang alaala ni Nene Pimentel sa inyong bangayan at pagnanais na mapasainyo ang liderato ng Partido na siya at si Ninoy Aquino at iba pang mga lumaban sa diktadurya upang maibalik ang ating kalayaan at demokrasya,” sabi ni Atienza.

Sinabi ni Atienza na itinayo ni Pimentel ang PDP para labanan ang KBL party ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Itinayo naman ni dating Sen. Ninoy Aquino ang partidong Laban habang siya ay nakakulong upang labanan din ang diktaturya.

Hindi nagtagal ay pinag-isa ang dalawang partido at naging PDP-Laban.

“Wag niyong dumihan, maliitin at baliwalain ang kontribusyon ni Nene. The PDP organization was organized by Nene as a vehicle to fight the Marcos KBL party. Laban, meanwhile, was organized by Ninoy Aquino during his detention also to accomplish the same,” dagdag pa ni Atienza.

Dalawang paksyon ang nagbabangayan ngayon sa PDP-Laban at kapwa nais na makuha ang liderato bilang bahagi ng paghahanda sa 2022 national elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?