0
views

By

Amanpour nakipaghiwalay kay Jamie Rubin

Sharing is caring!

Nagulat ang buong mundo nang biglang makipaghiwalay ang CNN chief international correspondent and CNN host na si Christiane Amanpour sa kanyang mister na si Jamie Rubin.

Mahigit na 20 years ang kanilang pinagsamahan as husband and wife.

Ayon sa report ng Washington Post, ‘amicable’ ang naging divorce ng dalawa and “have remained friend.”

Unang nagkakilala ang dalawa in 1997 habang on assignment with CNN si Amanpour in Bosnia. Si Rubin naman ay U.S. Assistant Secretary of State for Public Affairs noong mga panahon na iyon at kasama niya sa Bosnia ang Secretary of State na si Madeleine K. Albright.

Kinasal ang dalawa sa Rome in 1998 na dinaluhan nila John F. Kennedy Jr. and wife Carolyn, diplomat Richard Holbrooke, Clinton aide Sidney Blumenthal and former Deputy National Security Adviser James Steinberg.

Meron silang 18-year-old son named Darius.

Nakatira ngayon sa London si Amanpour at busy sa kanyang CNN shows na Amanpour at Amanpour on PBS.

Si Rubin naman ay nagtatrabaho pa rin sa Washington D.C. as a consultant for the lobbying firm Ballard Partners. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?