77

By

Amanda Villanueva lipat sa Sta. Lucia

Ibang jersey na ang susuotin ng maganda at seksing volleybelle na si Amanda Villanueva sa susunod na season.

Matapos maglaro para sa Banko Perlas Spikers ng dalawang taon, sasali na sa Sta. Lucia Lady Realtors ang 26-anyos na manlalaro.

Ito’y nakumpirma sa social media page ni Amanda Villanueva mismo.

“I always trust the beauty & the magic of new beginnings Grateful for all the blessings & my new family #RebuildTheLand Sta. Lucia Lady Realtors,” saad nito.

Naging maganda ang kampanya ni Villanueva para sa Bank Perlas, naging isa sa mga top scorer para sa koponan sa 2018 season at nakaabot pa sa semifinals ng dalawang Premier Volleyball League conference.

Kanyang makakasama sa Sta Lucia sina Jho Maraguinot, MJ Phillips, Pamela Lastimosa, at import Molly Lohman at Casey Schoenlein.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?