103

Jun 24, 2022 @ 12:47
By

‘Amakabogera’ MV ni Maymay pumalo na sa 15M views sa YT

Pumalo na sa 15 million views sa YouTube ang hit single ni Maymay Entrata na “Amakabogera.”

Inilabas sa ABS-CBN Star Music YouTube channel ang naturang kanta noong Oktubre 22.

Dahil dito, nagbunyi ang mga tagahanga ni Maymay.

Samantala, sa Instagram story, pinasalamatan ni Maymay ang mga nanuod sa kanyang music video.

Nagpasalamat din ang actress-recording artist sa kanyang “ASAP Natin ‘To” family sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula Canada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?