4,461

By

Amado Cruz dumepensa sa Miss Earth scandal: ‘Di totoong nang-harass ako!

Sharing is caring!

Binuweltahan ng Miss Earth sponsor na si Amado Cruz ang mga bintang ng sexual harassment sa kanya ng tatlong kandidata ng nasabing patimpalak.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi nito na walang katotohanan ang mga binibintang sa kanya, at matagal na rin umano siyang nag-iisponsor para sa ilang pageant para i-promote ang turismo sa bansa.

Sa alegasyon ni Jaime Vandenberg ng Canada na kinukuha umano niya ang number ng kandidata, dinepensa nito na hindi ito tunay na nangyari at wala rin aniya siyang kinuhang numero maging sa iba pang kalahok.

Hindi rin aniya nanghingi si Cruz ng sexual favour kay Miss Canada, maging kay Abbey-Anne Gyles-Brown ng England.

Walang rin umanong katotohanan ang bintang ni Emma Mae Sheedy ng Miss Guam na hinipuan niya ang likuran nito, sinabi na hindi niya ito magagawa lalo’t nasa public event sila.

Nagpasalamat din si Cruz sa mga nagtatanggol at sinabing walang sexual harassment na naganap sa Miss Earth.

Isa na rito si Monica Aguilar ng Cuba, kung saan inilahad ang nangyari sa Manila Yacht Club at kinontra ang tinuran ng Miss Canada.

“Yes, some sponsors did ask us if we wanted to extend our visas to go to Boracay after the pageant, but no one was promised to get us further in the competition through ‘sexual favors’… All you can do is say no, thank you, and move on with your life,” saad sa Instagram post ni Miss Cuba.

Sa ngayon, banned na si Cruz sa Miss Earth organization, na idiniin na hindi tino-tolerate ng pageant ang mga imoral na gawi ng kahit sinong tao sa kanilang mga kandidata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?