126

Jan 3, 2018 @ 10:22
By

Ama sinaksak ang manliligaw ng anak sa Zambo

Sinaksak ng isang ama ang umano’y manliligaw ng kaniyang anak matapos itong umakyat ng bahay sa Zamboanga City upang diskartehan ang babae.

Nabatid na tutol ang amang si Jose Cerna, 57, sa manliligaw ng kaniyang anak na si Abjel Quijano, 32, dahil may nobyo na umano ito at pilit pa umanong dumidiskarte ito at nagbabakasakaling makasingit.

At kamakalawa ng madaling-araw ay muling pumanhik ito ng ligaw sa bahay ng babae sa Hawaii Drive sa Brgy. Talon-Talon, at dito na nagalit ang ama at sinugod ang lalaki at saka inundayan ng saksak sa likuran.

Naisugod naman sa pagamutan si Quijano at ayon sa pulisya kahapon ay nagkaayos na umano ang suspek at ang biktima at hindi na magsasampa ng demanda. (Al Jacinto)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?