15

Jul 23, 2020 @ 21:04
By

Ama sa Gapo nahawahan ng COVID mag-iina

OLONGAPO CITY – Isang pamilya ang napaulat na nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawahan ng kanilang padre de pamilya, ayon sa datos na ibinigay ng mgaawtoridad sa lungsod nitong Hulyo 22.

Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr, ang lalake ay nasa 55-taong gulang at ika-19 na pasyente ng lungsod na nakahawa sa kanyan misis na nasa 47 anyos ; at dalawang anak, 18 at 19 na gulang dahilan para pumalo sa kabuuang 23 bilang ng kaso sa lungsod noong Miyerkules.

Dagdag pa ni Paulino sa isinagawang contact tracing nahanap ang tatlong lalaki na nakasalamuha ng pamilya at lumabas na negatibo sa COVID-19 subalit naka isolate pa rin ang mga ito para sa monitoring.

Ngayong araw, Huwebes (Hulyo 23) ay umakyat na sa walo ang pinakabagong kaso dito kaya nagpatupad ng mahigpit na border checkpoint sa lalabas at papasok sa lungsod ng Olongapo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?