588

Jan 2, 2019 @ 12:10
By

Ama patay sa hampas ng anak noong Bagong Taon

Dahil sa espiritu ng alak, nagawang patayin ng isang lalaki ang kanyang sariling tatay sa unang araw ng 2019.

Idineklarang dead-on-arrival si Lito Magbanua, 54-anyos, matapos mapuruhan sa hampas ng anak na si Rhenzie, 27-anyos, gamit ang isang bakal.

Saad sa report, sumugod si Rhenzie sa bahay ng ama sa Barangay 178, Sitio 2, Camarin, Caloocan City, at inundayan ang ama ng hampas sa ulo at katawan.

Napaulat na nasa impluwensiya ng alak si Rhenzie.

Naisugod pa ng isa pang anak ng suspek na si Rhona Mae ang ama sa Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital ngunit binawian ng buhay.

Nahaharap sa kasong parricide si Rhenzie at nasa kustodiya na ng Caloocan City Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?