50
duterte51
By

Ama ni Sec. Andanar itinalaga ni Duterte bilang special envoy sa Malaysia

Sharing is caring!

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Special Envoy to Malaysia si Wencelito Tan Andanar, ama ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar.

Ang appointment ni Andanar ay pinirmahan ng Pangulo noong August 9,2018 at mayroong anim na buwang termino, o hanggang Pebrero 2019.

Si Andanar ay hindi na bago sa gobyerno dahil naging Undersecretary ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang iba pang bagong appointee ng Pangulo ay si Jeffrey Ian Cardano Dy bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Customs, kapalit ni Noel Patrick Prudente.

Si Prudente ang opisyal na sinibak ni Pangulong Duterte noong May 30 dahil sa madalas na biyahe sa abroad.

Itinaon ng Pangulo ang pagsibak kay Prudente matapos saksihan ang pagsira sa mga smuggled na mamahaling sasakyan sa Port Area Manila.

Kasama rin sa mga hinirang ng Pangulo si Julia Cecil Coching Sosito bilang bagong presiding commissioner ng National Labor Relations Commission second division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?