31

By

Ama ni Ricci Rivero, nagpasalamat sa basher

Sharing is caring!

Kahit pa binash ang kanyang anak, nagpasalamat pa si Paolo Rivero, ama ng magkapatid na sina Ricci at Prince Rivero, sa kanyang Twitter account.

“Bata pa rin si Ricci sana tinuruan niyo din ng tama. Hindi pa man din sikat asal ewan,” chat ni Sarah Velasco.

Tatlong screenshot ang pinost ni Rivero, at ang pang-apat ay screenshot sa shinare ni Velasco sa Facebook na nakalagay “limit your words because sometimes the words are you (sic) using to insult others is the best word to describe yourself.”

May caption ang kanyang Twitter post na “salamat po miss Sarah.”

Lumipat sa University of the Philippines si Ricci samantalang naglalaro naman si Prince para sa Mandaluyong Tigers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?