180

Jun 15, 2021 @ 15:42
By

Ama ng pinakamalaking pamilya sa mundo, pumanaw na

Pumanaw na nitong Linggo ang isang lalaki sa India na nakatira sa isang apat na palapag na bahay na may nasa 100 kwarto.

At ang dahilan ng pagkakaroon niya ng ganitong kalaking bahay: ang kanyang pamilya, na itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo.

Ang ama na siyang pumanaw ay si Ziona Chana, 76-anyos, na may 39 asawa at 94 na anak.

At kung kasama pa raw ang mga apo, nasa 167 ang miyembro ng kanyang pamilya.

Ang dahilan daw ng pagkakaroon ni Chana ng maraming asawa ay ang sekta na kanyang kinabibilangan, na tinatawag na ‘Chana pawl’ at mismong ama pa niya ang nagtatag noong 1942. Sa sektang ito umano ay legal ang polygamy, o ang pagkakaroon ng maraming asawa. Sa ngayon daw ay nasa 2,000 ang miyembro ng sekta.

Unang nagpakasal si Chana noong 1959 nang siya ay 15 anyos pa lamang, at huling nagpakasal noong 2004 sa isang 25-anyos na babae. Minsan na rin daw niyang inilahad na nagpakasal siya ng 10 beses sa isang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?