By

Ama kalaboso sa panggagahasa sa sariling anak

Sharing is caring!

Arestado ang isang 38 anyos na lalaki matapos umanong halayin ang dose anyos na anak sa Brgy. 649 Zone 68, Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “ Julito”.

Base sa sumbong nang nakatatandang kapatid ng biktima sa Brgy. Tanod na si Gilbert Dela Cruz, na hinalay umano ng suspek ang kanyang kapatid Sabado ng gabi.

Naaktuhan pa umano niya ang kanilang ama habang nakapatong sa walang saplot na babaeng kapatid.

Base naman sa salaysay ng hindi pinangalanang biktima, makailang ulit na rin umano siyang minomolestiya ng kanyang sariling tatay.

Sinabi namin ni Marites dela Cruz ng Womens and Childrens desk ng Brgy. Natakot na magsumbong ang magkapatid dahil sa banta ng ama na sasaktan sila.

Nahaharap na ngayon sa patung-payong na kaso ang suspek. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?