12
views
ama2

Ama, dinakip sa panggagahasa sa anak

Sharing is caring!

Dahil sa makailang ulit na panggagahasa, napilitan nang magsumbong ang isang Grade 6 pupil sa kanyang ina sa ginagawang panghahalay sa kanya ng sariling ama nang muli siyang gapangin at gahasain ng suspek kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Agad namang humingi ng tulong ang ina (hindi na binanggit ang pangalan) ng 12-anyos na batang babae sa mga tauhan ng Las Piñas Police Community Precinct 1 na nagresulta sa pagkakadakip kay Marlon Santos, 39, construction worker, sa loob ng kanilang tirahan sa Brgy. Daniel Fajardo dakong alas-10:30 ng gabi.

Base sa isinumiteng report ni Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng Southern Police District (PIO-SPD) , nasa loob ng kanilang silid ang biktima at wala ang ina nito, pinasok siya ng kanyang ama dakong alas-7:30 ng gabi at sa pamamagitan ng pananakot ay matagumpay na nailugso ang puri ng bata.

Napag-alaman na una nang ginawan ng kahalayan ng suspek ang biktima noong Abril 7 dakong alas-11:99 ng gabi sa loob din ng kanilang bahay at pinagbantaan na huwag magsusumbong kaninuman kung ayaw niyang may mangyaring masama sa kanya at sa kanyang ina.

Dahil sa takot ay nanahimik na lamang ang biktima subalit nang muli siyang gahasain ng kanyang ama kamakalawa ng gabi ay napilitan na siyang magsumbong sa ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Agad na dinala ng mga awtoridad sa nasabing himpilan ng pulisya si Santos at sasampahan ng kasong panggagahasa at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Las Piñas Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?