92

Oct 16, 2021 @ 22:07

Alyssa Valdez titira na sa ‘Bahay ni Kuya’

Kung ang kanyang dyowang si Kiefer Ravena ay nasa Japan, sa ‘Bahay ni Kuya’ naman makikipagsapalaran si volleyball superstar Alyssa Valdez.

Instant trending ang dating Ateneo volleybelle sa kanyang pagpasok sa Pinoy Big Brother house bilang housemate sa ‘PBB Kumunity Season 10’.

Bukod kay Alyssa, makakahalubilo niya ang mga kapwa housemate na sina online sensation Madam Inutz, comedian Brenda Mage, pati ang young actress na si Alexa Ilacad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?