265

Dec 7, 2021 @ 18:19
By

Alyssa Valdez tinuruan mag-volleyball mga ‘PBB’ housemate

Napanganga ang mga housemate sa “Pinoy Big Brother” nang magpasampol ng spike si volleyball star Alyssa Valdez.

Nakipaglaro si Valdez ng volleyball sa mga kapwa housemate nang mapansin ni “Kuya” ang interes ng mga ito sa nasabing sports.

Tinuruan ni Valdez ang mga kasamahan sa tamang pag-receive, pag-set at pagpalo ng bola.

“Nakaka-miss. Shucks. Lord,” ang nasabi ni Valdez nang muling humampas ng bola na kinahiyaw ng mga kasama niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?