73

Jan 7, 2022 @ 10:51
By

Alyssa Valdez positibo sa Covid 19

Nagpositibo ang volleyball star na si Alyssa Valdez sa COVID-19 nitong Biyernes, Enero 7.

Ayon sa inilabas na statement ng V Management Group, nakakaranas si Alyssa ng mild symptoms at nakumpirma ngang may COVID ito matapos kumuha ng RT-PCR test.

“After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID 19,” pahayag ng kumpanya.

“We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way,” dagdag pa ng management.

Saad pa ng nasabing management na nagpapagaling na ngayon si Alyssa sa kaniyang bahay.

“Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home.”

Samantala, pinasalamatan naman ni Alyssa sa kaniyang social media ang mga nagdadasal para sa kaniyang paggaling.


(Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?