39

Oct 6, 2021 @ 19:44
By

Alyssa Valdez papasok sa ‘Bahay ni Kuya’

Trending sa Twitterverse ngayong Miyerkoles si volleyball star Alyssa Valdez.

Ito ay matapos siyang pangalanang celebrity housemate para sa 10th season ng “Pinoy Big Brother”.

Siya ang unang celebrity housemate na kinumpirma ang pagsali sa upcoming “Pinoy Big Brother Kumunity”.

Nag-tweet pa si Valdez ng larawan niya habang hawak ang envelope na mula kay “Kuya”.

“Nakatanggap ako ng sulat mula kay #BigBrother!!” sey ni Valdez.

Isa si Valdez sa pinakamagagaling na volleyball player sa bansa — may dalawang UAAP championships at tatlong UAAP MVP title bilang spiker ng Ateneo de Manila University.

Kasalukuyan siyang pumapalo para sa Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?