51

By

Alyssa Valdez out sa PSL Invitational Conference

Sharing is caring!

Hindi pa rin sigurado kung makakapaglaro para national team si volleyball superstar Alyssa Valdez sa darating na Philippine Super Liga (PSL) Invitational Conference.

Napili ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) na isabak ang national team sa darating na conference ng PSL para sa paghahanda nito sa mga international tournaments na paglalaruan nito.

Isa si Valdez sa napili sa 20-woman national volleyball team poll at kasulukuyang itong miyembro ng Creamline na bahagi ng Premier Volleyball League (PVL) na kakumpetisya ng PSL.

“It’s going to be a long process for everyone. If Creamline will see the benefit of this for our team and the national team, I think that there won’t be any question,” ani Valdez.

Ayon naman kay national team head coach Shaq delos Santos, nakikipagusap at nakikipagtulungan na sila sa pamunuan ng PVL kung maari ang mga manlalarong gaya ni Valdez na makapaglaro sa PSL.

“If there are no conflicts to our training or our games then its okay,” dagdag ni Valdez.

Bukod kay Valdez, sina Jia Morado at Myla Pablo, na kabilang sa 20-women’s national women’s volleyball team poll ay naglalaro din sa PVL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?