186
Alyssa Valdez nalungkot sa divorce nina Joong Ki, Hye Kyo
Jun 27, 2019 @ 14:38

Alyssa Valdez nalungkot sa divorce nina Joong Ki, Hye Kyo

Dama maging ni volleyball superstar Alyssa Valdez ang hiwalayan ng Song-Song couple nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Sa Twitter, napuno ng heartbreak emoji ang tweet ni Alyssa para ipakita ang pagdadamdam sa break-up ng ‘Descendants of the Sun’ stars.

Maging si Grethcel Soltones ay naintriga sa post ni Alyssa, na nabababawan sa break-up ng dalawa na dahil umano sa ‘differences sa personality’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?