29,308

Jan 3, 2022 @ 22:57

Alyssa super comfort: Kiefer napa-rawr sa kalmot

Maraming nag-alala kay Kiefer Ravena matapos niyang ipakita ang kalmot sa kanyang braso.

Sa tweet ng dating PBA player, makikita ang pulang marka sa kanyang braso, na may caption pang ‘rawr’.

Isa nga sa napa-react sa video ni Kiefer ay ang kanyang girlfriend na si Alyssa Valdez.

Nakalabas na ng ‘Pinoy Big Brother’ house si Alyssa matapos niyang mapabilang sa Top 2 celebrity housemate.

Ngunit mauudlot muna ang reunion nila dahil naglalaro pa sa Japan B. League si Kiefer para sa Shiga Lakestars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?