126

Nov 27, 2021 @ 12:51

Alyssa naiyak sa mensahe ni Kiefer

Emosyonal na Alyssa Valdez ang nasilayan sa latest episode ng ‘Pinoy Big Brother’ dahil sa message sa kanya ni Kiefer Ravena.

Noong una ay pinigilan ni Aly na mapa-react nang marinig ang tinig ng kanyang boyfriend.

“Hello, Ly? Andiyan ka ba?” wika ni Kiefer.

Nang may lumabas na sa screen ay lumapit na si Alyssa at nasorpresa na may pa-video greeting pala ang basketbolista para sa kanya.

“Hi, Ly! Kamusta? Hopefully okay ka diyan sa bahay ni Kuya. From what I’m seeing, you’re doing well, you’re having fun and it’s nice to see the other side of you. I’m sure maraming natutuwa lahat kami, lahat kami natutuwa. Marami kang napapatawa, marami kang napapasaya,” wika ni Kiefer.

“Palagi mo lang tatandaan, maraming, maraming sumusuporta sayo. Nandito lang kami sa likod mo in your journey. Mahal na mahal ka namin, Louis, Blake and Rocky, we all miss you. Mag-ingat ka palagi. We miss you. Galingan mo diyan! Finish strong! Kayang-kaya mo yan, ikaw pa!” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?