24

Jun 24, 2020 @ 14:41

Alyssa may susugurin

ISANG tawag lang, sugod agad!

Ganito ang mentalidad ni volleyball phenom Alyssa Valdez kung kakailanganin siya ng Philippine National Team para sumabak sa susunod na Southeast Asian Games (SEA Games).

“I would really go and play for the national team,” pahayag ni dating Ateneo Lady Eagle Valdez CPT Crossover Podcast.

Pero paglilinaw nito, sasabak lamang ulit siya kung kaya pa ng katawan niya.

“If pinatawag tayo, sIyempre as much as kaya ng katawan natin,” ani Valdez.

“As much as alam kong mabibigay ko ‘yung 100 percent ko for the national team and makaka-contribute din ako in some ways.”

Pero aniya, kung may mas bata pa na makakatulong para sa bansa, handa itong magsakripisyo.

“Pero kung medyo tumatanda na tayo at alam natin may mas batang very potential naman na mag-represent din ng country, siyempre we really have to give it to them para mas marami rin silang experience.” (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?