11

Oct 19, 2020 @ 14:28
By

Alyssa kinarir ang golf

Hindi lamang pang-volleyball si Premier Volleyball League superstar Alyssa Valdez kundi pati na rin para sa golf.

Sa ipinost na video sa Instagram ng Creamline Cool Smasher ace player, makikitang pangmalakasan rin sa golf ang sikat na balibolista.

Caption pa ni Valdez na dating lumaro para sa Ateneo, “keep on swinging…”.

Napabilib naman ang mga netizen sa slow motion na paghampas ni Valdez sa nasabing sport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?