154

Oct 17, 2017 @ 16:31

Alyssa ginanahan sa homecoming

Naghintay at pumila ng mahaba ang mga Batangueños para mapanood ang idolo nilang si volleyball superstar Alyssa Valdez.

Hindi naman nabigo ang mga fans, pinakitaan sila ng magandang laro ni former Queen Eagle Valdez para itulak ang kanyang koponan na Creamline sa 17-25, 18-25, 25-17, 25-23, 19-17 win kontra BanKo-Perlas sa second leg ng “PVL on Tour” sa Batangas Coliseum, Batangas City.

Ang event  ay inorganisa ng Premier Volleyball League kasama ang Grid Athletic Sports.

Halatang nangapa si 23-year-old Valdez sa kaagahan ng laro, apat na errors muna siya bago nilista ang unang puntos nito sa laro.

“Grabe ang mga fans talagang gaganahan ka maglaro pag ganyan kainit ang pagtanggap sa iyo,” ani Valdez na umiskor ng back-to-back kills para selyuhan ang mahirap na panalo sa fifth set.

Tahimik ang fans sa warm-up ng Cool Smashers at Perlas Spikers dahil hindi nila nakikita si Valdez.

Pero halos mabasag ang dingding ng Coliseum sa hiyawan nang tumapak na si Valdez sa court at samahan ang mga kakampi na nag-eensayo.

Nakatuwang ni Valdez sina star setter Jia Morado, Pau Soriano at Rose Vargas. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?