93

Jan 3, 2022 @ 16:34
By

Alyssa deserving maging big winner – Alexa

Deserving maging big winner sa “Pinoy Big Brother” si Alyssa Valdez, ayon kay Alexa Ilacad.

Matatandaang sina Alyssa at Anji Salvacion ang hinirang na Top 2 housemates noong Linggo sa PBB Season 10.

Opisyal na silang bahagi ng eventual final six ng Kumunity Season, na sasalihan ng iba pang top two winners mula sa mga batch ng Adult at Teen ng nasabing season.

Babalik sina Valdez at Salvacion sa Bahay ni Kuya kapag naideklara na ang mga nanalo sa Adult at Teen edition.

Sa kanyang Twitter account, nagpahayag ng suporta sa kanyang “pepper” si Alexa.

“I made this video compilation (thanks to the videos you sent) to show my support and to congratulate my one and only, pepper @AlyssaValdez2 for being in the #PBBKumuCelebTopTwo. You make me so proud. You are the deserving big winner and my #1! Mahal kita, Pepper!” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?