158

Dec 29, 2017 @ 10:05
By

Alyas ‘Tae’ binoga sa kalsada, patay

Binansagang ‘Tae’ ang 19-anyos na si Noriel Laodeno dahil pakalat kalat ito sa mga lansangan sa Sucat, Paranaque City.

Ito ay dahil kilala si Laodeno na holdaper sa lugar at sangkot din diumano sa ibat ibang krimen mula Sucat hanggang Barangay BF, ayon sa ulat ng Southern Police District.

Ilang minuto makalipas ang hatinggabi ng Huwebes, pinagbabaril si Laodeno kasama ang isang kaibigan sa madilim na bahagi ng Sucat Road.

Ayon sa mga saksi, apat ang salarin na sakay ng dalawang motorsiklo.

Tinamaan ng bala sa katawan si Laodeno samantalang nakatakas at iniwan na siya ng kanyang kaibigan.

Isinugod ng mga rumespondeng pulis sa Ospital ng Paranaque si Laodeno, na kritikal ang kondisyon hanggang ngayon.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa ilegal na gawain ni Laodeno ang pagtatangka sa kanyang buhay. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?