197

Nov 3, 2017 @ 14:36

Alyansa kontra EJK, itinatag

Bilang kampanya laban sa Extrajudicial Killings o EJK ay bumuo ng alyansa ang ilang grupo ng mga law students, huwes at mga abogado.

Ito ay tinawag nila na “Manananggol Laban sa Extrajudicial” o “Manlaban sa EJK” na ang layunin ay pag-isahin ang mga hakbang ng nasa legal sector bilang pagkontra sa pag-shortcut sa due process.

Ilan sa mga miyembro ng grupo sina dating Senador Rene Saguisag; dating Quezon 4th District Rep. Erin Tañada III; University of the Philippines at Lyceum of the Philippines Colleges of Law Dean Pacifico Agabin; De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Diokno at maraming iba pa.

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyers President Edre Olalia, isa sa mga convenor ng Manlaban EJK, responsibilidad ng mga abogado na protektahan ang karapatang pantao ng lahat.

Katwiran ni Olalia, hindi dapat idinadahilan na naging positibo ang epekto ng mga extrajudicial killings sa lipunan kung nakuha naman ito sa pamamagitan ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?