279

Jun 12, 2021 @ 14:32
By

Alwyn pasabog ang mensahe kay Jennica

Matapos ang pananahimik sa kanilang hiwalayan, nagsalita na si Alwyn Uytingco at nag-post ng mensahe para sa kanyang estranged wife na si Jennica Garcia.

Idineklara niyang mahal na mahal pa si Jennica.

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa,” sey niya.

“Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita,” sabi pa niya.


February 2014 nang lihim na magpakasal sina Alwyn at Jennica. May dalawa na silang anak na babae.

Kamakailan sinabi ni Jennica na hindi pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Alwyn.

Idinepensa rin niya ang aktor at sinabing hindi ito materialistic at isang good provider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?