153

Nov 23, 2018 @ 14:55
By

Alvin Pasaol mananatiling UE Red Warriors

Ipinagpaliban muna ni Alvin Pasaol ang pangarap nitong tumuntong ng pro-league, ilang linggo na lang bago ang PBA draft application deadline.

Sa panayam sa kanya sa CNN Philippines, sinabi nitong mananatili pa siya ng isang season sa UE dahil kailangan pa niyang magkaroon ng experience.

“I decided that I still want to play (for UE),” sabi ni Pasaol.

Ang 6-foot-3 forward na si Pasaol ang leading scorer ng Season 81 ng UAAP sa naitatala nitong 24.4 points per game, 11.0 rebounds at 1.9 steals.

Naungusan na niya rito si Terrence Romeo sa scoring average na 22.2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?