225
abante-tnt-vismin-alvin-fontuna
By

Alvin Fortuna, thankful maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano

Sharing is caring!

Sobra ang pasasalamat ng actor-restaurateur na si Alvin Fortuna dahil bukod sa may entry ulit siya sa Cinemalaya sa taong ito, isa si Alvin sa bagong character na napapanood ngayon sa top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Kasali ako sa Cinemalaya entry na The Lookout ni Direk Afi Africa at nasa Ang Probinsyano na rin ako ako ngayon as General Perez,” panimula ni Alvin.

Ano ang reaction mo na kasali ka na rin sa serye ni Coco?

Pahayag niya, “Sobrang thankful ako na nakasali ulit ako sa top rating TV series ng ABS CBN. Kasi, iba talaga ang pakiramdam kapag napabilang ka roon, sobrang nakaka-proud na nakasali ako roon as General Perez pa, kasi, sobrang magagaling lahat ng tao roon at sobrang mababait at maalaga sila… Ramdam mong Kapamilya ka talaga nila.

“Iyong last teleserye ko sa Dos ay sa Sana Bukas Ang Kahapon na pinagbidahan nina Bea (Alonzo), Albert (Martinez), at Paulo (Avelino). Ang papel ko roon, bilang kanang kamay ni Eddie Garcia. Isa akong pulis din doon.

“Iyong ibang paglabas ko sa ABS, guest-guest na lang like sa Asintado as lawyer.”

Nabanggit pa niya na looking forward siyang makaeksena si Coco.

“Yes, looking forward talaga ako na makaeksena ulit si Coco. Ilang beses ko na rin siyang naka-work before sa Idol at Walang Hanggan,” saad pa ni Alvin.

Pahabol pa niya, “Idadagdag ko pala, first time kong naka-work si Rowell Santiago as president. Buti na lang magkakilala kami dahil nagkasama kami sa bikram yoga, happy rin siya nang makita nya ako sa set.

“Pati si VP Edu Manzano, first time rin, pero madalas ko siyang makita sa Lazat Restaurant namin na dating Cerchio Gril, kasi friend at bisita siya ng business partner ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?