40

By

Alvarez: Walang imposible sa federalism

Nangungunang prayoridad ng Kamara ngayong taon ang pag-convene sa Kongreso bilang Constituent Assembly.

Ito’y para sa layuning amiyendahan ang Konstitusyon at magpalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federalism.

Kaugnay nito’y wala namang nakikitang magiging problema si Speaker Pantaleon Alvarez dahil si Senate President Aquilino Pimentel III ay opisyal ng ruling party na nagsusulong ng federalism.

Tinaya ni Alvarez na kung magco-convene ang Senado at Kamara bilang constituent assembly ngayong Enero ay maisusumite for referendum ang bagong federal charter kasabay ng barangay elections sa May 2018.

“Pag trabahuhin lang, walang imposible, kayang gawin yun,” sabi ni Alvarez.

Kumpiyansa rin ang Speaker sa suporta ng super majoritiy sa Kamara para sa Con-Ass pero hindi daw siya sigurado kung may sapat na numero ang Senado.

Pero umaasa ito na paiiralin ng mga senador ang pagka-makabayan lalo na iyong may reservations sa panukalang federal form of government.
“This is a question of patriotism, kung ano yung tama at kung ano yung kailangan sa bayan,” ani Alvarez. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?