273

Mar 7, 2018 @ 16:19
By

Alvarez, walang alam na kudeta sa Kamara

Hindi raw alam ni Speaker Pantaleon Alvarez ang tungkol sa ugong na may mangyayaring pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Sagot ito ni Alvarez sa tanong kung totoong kinakausap ng ilang kongresista si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa speakership.

Tiwala ang Speaker na suportado pa rin ng mayorya ng mga kongresista ang kanyang liderato.

“OK pa naman, OK naman kami, wala namang nababago,” ayon kay Alvarez.

Una rito, tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque na “wishful thinking” ang anumang tangkang palitan si Alvarez dahil nananatili aniya ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Speaker.

Sabi pa ni Roque, wala silang nakikitang puwedeng ipalit kay Alvarez.

Lumutang ang umano’y napipintong kudeta sa Kamara kasunod ng isyu sa pagitan nina Alvarez at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?