ABANTE fredenil castro alvarez chacha
By

Alvarez, wala pang marching order sa Cha-Cha – Castro

Sharing is caring!

Nilinaw ni Deputy Speaker Fredenil Castro na wala pa silang natatanggap na instruction o marching order kaugnay ng Charter change.

Iyan umano ang dahilan kaya ang mga usapan tungkol sa posibleng term extension at no elections scenario ay mga haka-haka lamang sa harap nang nakatakdang pagtalakay sa amyenda sa Konstitusyon.

“I am the most senior vice chairman ng house committee on constitutional amendments, not even me has received any instruction or serious information or serious opinion sa mga bagay na yan. Wala ngang instruction na oh madaliin nyo na ang pagsumite ng proposed changes sa ating konstitusyon sapagkat kailangan by January ay mapag-usapan na ito sa mother committee at maaprubahan na, maka sit down na tayo bilang constituent assembly. Walang ganyan,” ani Castro.

Sabi ni Castro, ni wala pa nga silang natatapos na panukalang pagbabago sa Saligang Batas sa sub-committee level.

Hindi pa rin aniya nila nare-reconcile ang draft constitution ng PDP-Laban Institute of Federalism sa mga nagawa na ng mababang kapulungan, at hindi pa rin natatanggap ang draft constitution na galing sa University of the Philippines at ibang stakeholders.

Binanggit nito na ang nagawa pa lamang ng House committee on constitutional amendments ay hatiin sila sa sub-committees at magtalaga ng mga artikulong pag-aaralan kung ano ang magiging “proposed amendment” o “proposed new provisions.”

Dapat aniya ay ngayong Enero ang kanilang timeline para matapos lahat pero duda ang kongresista kung masusunod ito dahil marami pang resource persons ang hindi naririnig. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?