speaker-pantaleon-alvarez
By

Alvarez sa gobyerno: Ipaliwanag mabuti ang Cha-cha, federalismo

Sharing is caring!

Kailangan umanong mas maging masigasig ng gobyerno sa pagpapaliwanag sa mga tao kung bakit kailangang baguhin ang 1987 Constitution at ang isinusulong na pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa federal system.

Reaksyon ito ni Speaker Pantaleon Alvarez sa resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumabas na 64 percent ng mga Pilipino ang hindi pabor sa Charter change at 66 percent ang tutol sa federalism.

Ayon kay Alvarez, dapat magdoble-kayod ang gobyerno para palakasin ang information, education at communication campaigns sa buong bansa.

“We must come together and intensify the information, education and communication campaigns throughout the country to tell our people we must revise the three-decades old constitution to make it responsive to changing times,” ani Alvarez.

Sinabi ng Speaker na bagama’t ginagawa na ng Kamara ang lahat para maipaliwanag sa taumbayan ang mga pakinabang sa ilalim ng federal system, malaking hamon na maipaintindi pang lalo ito sa mga ordinaryong mamamayan.

“Our advocacy of the federal system is anchored on our firm belief that by giving the regions greater leeway in terms of powers and resources, we can unleash their potential to contribute to over-all economic growth and social development for the long term,” paliwanag ni Alvarez.

Kinuwestiyon naman nito kung bakit nakasentro lang ang survey sa federal system.

“Why did the survey only focus on the federal system? If the respondents were also asked about a unitary system of government, many more would have answered that they do not understand or know little about it all,” ayon sa Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?