141
Alvarez nilapit ang Batangas sa semifinals
By ,

Alvarez nilapit ang Batangas sa semifinals

Nasubukan ang tatag ng MPBL inaugural champions Batangas City Athletics bago alpasan ang Imus Bandera, 77-69, Martes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Nangapa muna sa tatlong quarters, pumutok sa fourth si Jeff Viernes at tinarak ang walong puntos para tulungan ang Athletics sa panalo.

Inamin ni Batangas City coach Woody Co na mas magiging mahirap ang second game kung saan susubukan na ng tropa na tapusin ang serye.

“It’s going to be tougher. This Imus team doesn’t stop playing, so closing out will be tougher. You need to bring your best game,” sabi ni Co.

Kumapit ang Batangas sa kanilang mga beterano sa pangunguna ni dating PBA player Lester Alvarez na may 16 na puntos sa kanyang pangalan habang si Denice Villamor ay may 15 puntos.

Umayuda rin si Jhaymos Eguilos na tinala ang kanyang double-double performance na 13 puntos at 12 boards at aminado siya na mas mahirap at mas challlenging ang liga ngayon dahil mas malalakas ang tropa ngayon.

“Mas challenging talaga sa amin itong season kasi mas lumakas yung mga teams,” ani Eguilos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?