31
views
pantaleon-alvarez
By

Alvarez, naghamon na patalsikin siyang Speaker

Sharing is caring!

Muling sinagot ni Speaker Pantaleon Alvarez ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa umano’y planong kudeta laban sa kanya sa Kamara.

Hinamon ni Alvarez ang mga kasamahan sa Kamara na ituloy ang kanilang balak kung talagang gusto siyang palitan bilang lider.

“Magkudeta na lang kung sino ang gustong magkudeta. Wala naman tayong problema diyan,” ani Alvarez.

Base sa lumabas na ulat, mayroong mga mambabatas mula sa Mindanao ang nag-iikot sa mga kasamahan sa Northern Luzon upang kumuha ng suporta na gawing lider ng Kamara si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasama rin umano sa plano na ipalit naman si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Pero ayon kay Alvarez, tsismis lamang ito at maayos ang relasyon niya sa mga kongresista.

Una na ring tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapapalitan si Alvarez dahil hindi naman interesadong maging Speaker si Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?