93
ABANTE TNT senado vicente tito sotto
Jan 8, 2018 @ 13:17
By

Alvarez nagbibiro lang, Senado hindi ipabubuwag – Sotto

Pinapawi ni Senate majority leader Vicente Sotto III ang pagkaalarma at pangamba ng ilan na ipabubuwag ng Duterte administration ang Senado sa isinusulong na Charter Change para sa pederalismo.

Ayon kay Sotto, hindi ito kasama sa plano ng administrasyon maging ng Kamara.

Batay aniya ito sa pag-uusap nila ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.

“No such thing as abolition of the Senate. In my talks with Speaker Bebot any federal or parliamentary form will have two houses pa rin,” ayon kay Sotto.

Tiniyak umano ni Alvarez na sa federal form o parliamentary form ng gobyerno, isusulong pa rin na dalawa ng kapulungan – Senado at Kamara.

Una rito, inihayag ni Senate minority leader Franklin Drilon ang hinala na bahagi ng planong buwagin ang Senado ang mga pagbanat dito ni Alvarez.

Tinutukoy na paninira ang sinabi ni Alvarez na “mabagal na kapulungan” ang Senado at marami itong hindi inaaksyunang panukalang batas.

“The speaker and I have a laugh when we talk of the ‘slower house tag’ kasi sagot ko sa kanya ay ‘slow but sure’,” ani Sotto.

“And he knows we are only 23 tackling the bills of almost 300 congressmen. Alam nya yun. Biro lang yun,” dagdag ni Sotto. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?