85
ABANTE-TNT-alvarez-pan
Dec 21, 2017 @ 11:45
By

Alvarez: Makabayan solons wala talagang access sa pondo

Iginagalang ni Speaker Pantaleon Alvarez ang concerns at mga kuwestiyon ng mga kongresistang taga-oposisyon sa alokasyon ng pondo sa ilalim ng 2018 budget.

Pero sinagot ni Alvarez ang angal ng ilan kabilang ang Makabayan bloc na wala naman talagang access sa mga pondo mula sa Kongreso kaya hindi niya umano alam kung saan kumukuha nang ginagastos sa kanilang mga proyekto.

Nagpasaring pa ang Speaker sa pagsasabing ang malinaw lang ay identified ang mga kongresistang ito sa mga rebeldeng komunista na notoryus sa pangongolekta ng “revolutionary tax”.

“According to the military, in southern Mindanao alone, the NPA collects close to P500 million yearly in revolutionary taxes. This is plain and simple extortion. We have not heard from the Makabayan bloc a clear and unequivocal condemnation of revolutionary taxation, leading us to suspect that they either directly or indirectly benefit from it,” ani ni Alvarez.

Hinamon naman nito si Albay Rep. Edcel Lagman na ipaliwanag kung saan napunta ang P3.8 billion na halaga ng mga proyekto sa kanyang distrito.

Binigyang-diin rin ng Speaker na ang mga pondong kinaltas mula sa ilang proyekto ng mga taga-oposisyon at maging sa ilang kasapi ng supermajority sa Kamara ay inilagay sa free college education sa state universities and colleges at sa umento sa sahod at benepisyo ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

“I mean what I say and I am not in the habit of saying one thing and doing another. If there’s money, then I’ll see to it that it would be properly allocated. As much as possible, once funding for a project has been approved, then it is good to go. But in extraordinary cases we have to re-allocate funds for other priorities, such as education and the welfare of policemen and soldiers. This is what happened in the 2018 budget,” paliwanag ni Alvarez. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?