By

Alvarez kay Sotto: Good luck!

Sharing is caring!

Umaasa ang Kamara na mas maraming panukala ang maipapasa ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni bagong Senate President Tito Sotto.


Kaugnay nito, isang “good luck!” ang mensahe ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Sotto.


Hindi naman nakikita ni Alvarez na may epekto sa timetable ng priority bills kabilang ang Charter change, ang pagpapalit ng liderato ng Senado.

“Kami naman sa House of Representatives, we wish him luck and sana maging maganda… mas gumanda pa ‘yung takbo nu’ng passage… nu’ng legislation,” sabi ni Alvarez.

Matatandaang umaangal ang liderato ng Kamara dahil sa mabagal na usad ng mga panukalang batas na iniaakyat nila sa Senado partikular ang death penalty bill.

Winelcome naman ng ilan pang kongresista ang pag-upo ni Sotto sa bagong posisyon.

Sabi ni Isabela Rep. Rodito Albano na miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments, kaibigan ng lahat si Sotto dahil magaling itong makisama at tagahanga rin ng Presidente.

Tiwala naman si Malabon City Rep. Ricky Sandoval na maganda ang magiging kooperasyon nina Speaker Alvarez at Sotto sa pagsusulong ng legislative agenda kahit pa magkaiba sila ng partido sa pulitika.

Sa panig ng ilang taga-oposisyon, sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na ang pag-alis kay dating Senate President Koko Pimentel ay nagpapakita lamang na balewala sa administrasyong Duterte ang party affiliations.

“What really counts, as far as this administration is concerned, is loyalty to President Duterte and the ability to deliver the Palace’s bidding,” ani Tinio. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?