By

Alvarez kay Pimentel: Walang personalan, trabaho lang

Sharing is caring!

Nilinaw ni Speaker Pantaleon Alvarez na wala silang away ni Senate President Koko Pimentel.

Ito’y sa kabila ng kanyang apela sa Senado na bilisan ang trabaho at aksiyunan ang mga panukalang batas na naiakyat ng Kamara.

Ayon kay Alvarez, walang personal sa kanyang puna sa performance ng Senado.

“Magkaibigan kami. Alam mo sa akin kasi, trabaho lang. Ito, lahat ito trabaho lang,” ani Alvarez.

Una rito, idinepensa ni Pimentel ang Senado sa pagsasabing pinag-aaralan nilang mabuti ang mga panukala bago aprubahan.

Sagot naman ni Alvarez, masyadong matagal ang ginagawang pag-aaral ng mga senador gaya na lamang sa death penalty bill na noong Marso pa naipasa ng Kamara.

Si Pimentel ay presidente ng PDP-Laban habang si Alvarez ay secretary general ng partido. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?