By

Alvarez kay LTO chief Galvante: Mag-resign ka na!

Sharing is caring!

Pinagbibitiw ni Speaker Pantaleon Alvarez si Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante sa kanyang puwesto dahil sa mabagal na paglabas ng driver’s license cards.

Ginawa ni Alvarez ang panawagan kanina sa pagdinig ng House Committee on Transportation sa mga panukalang may kinalaman sa tanggapan ng LTO.

Hindi nakadalo sa pagdinig si Galvante dahil nagpapagamot ito, ayon sa kinatawan ng LTO na si Atty. Jane Leynes.
Ayon kay Alvarez, kung hindi umano kayang gampanan ni Galvante ang kanyang tungkulin bilang LTO chief, mas mainam na magbitiw na lang ito.

“More than one year ka nang nakaupo diyan pero wala pa ring plaka ‘yung mga sasakyan. Aba e the most logical thing for you to do is to resign. Ibig sabihin hindi mo kaya ‘yung trabaho,” sa panayam ng mga reporters.

“Kasi isa ‘yan sa mga issues na ni-raise ng ating Presidente nu’ng siya’y kandidato pa lang na bakit ‘pag bumili ka ng sasakyan ay mag-aantay ka ng ilang taon, wala pa ring plaka,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?