32

House version ng 2018 budget, ayaw ipabago ni Alvarez

Sharing is caring!

Nangangamba ang dalawang kapulungan ng kongreso sa posibleng pagkakaroon ng reenacted budget sa 2018.

Ito’y dulot ng magkaibang bersiyon ng Kamara at Senado.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nila papayagan ang Senado na baguhin ang bersiyon ng Kamara sa General Appropriations Act (GAA).

Kabilang umano sa hindi napagkasunduan ang P50.7 milyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa right-of-way acquisition.

Kinuwestiyon din ni Alvarez ang P900 milyon na anti-drug campaign budget at ang P50 milyon para sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Hindi rin sang-ayon si Senador Franklin Drilon sa ginawang pagbabago ng mga kapwa niya senador.

Target ng Senado at Kamara na maisumite sa Palasyo ang P3.767 trilyon na 2018 national budget bago mag-Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?